Salapi
O, saan naroon ang
tunay na saya
Ng taong palaging
balisa ang diwa;
Halos kahirapan sa
buhay ang dala
At wala ni munting
ligayang madama?
Ano baa ng lunas ng
pagkadalita?
Kaylan baa ng
wakas, nasa’n ang ligaya?
Kalungkutang
lagging ating nadarama
Nasaan ang wakas,
bakit ‘di makita?
Katapusan na ba
nitong pagdarahup
Kung aking makamtan
perang salup-salop,
Hindi nga ba ito
sa’tin maging salot
At magdala sa’tin
sa pagiging hayop?
‘pagkat batid
nating ditto nagmumula
Mga kaguluhang
ating nakikita;
Ang mga pataya’t
pagkapariwara
At ang ‘di mabuting
pakikipagkapwa.
Sa kabilang banda
ito’y nagbibigay
Ng munting ginhawa
sa hamak na buhay,
Nakapagbibigay ng
kaunting kulay
Sa buhay na ito
kahit na may lumbay.